« fence s(h)itting | Main | brrrr... »

Sunday, 11 September 2005

sa emba at saanmang kalsada*

*mong palatino, one of the famous (haha) bloggers of our sector is already mocking me for not posting my entry for this week/month. so heto na. im planning to transfer to another blog server (tama ba?),abangan na lang.(mong,help!)

"mas sayang kayo!" sigaw ko doon sa pulis nang sabihin niya sa aking sayang daw ang susunugin naming streamer na may nakalagay na "beware,terrorist on board" tungkol sa pag-alis ni gloria papunta ng un meeting (na kanina lang, ay napag-alaman nating minove pala ang flight niya).haha.baka sasama sa transport strike ang mga eroplano bukas (what if?!)

kinakantyawan nila kami habang nagsasagawa ng pagkilos para palayain iyong aming mga kasamahang hinuli sa action sa tungki ng ilong ng us embassy nang araw na iyon. habang naglalakad papuntang kitaan, iniisip ko talaga -- ala-inosenteng sibilyang walang alam sa political economy ng pinas -- bakit ba ganoon na lang kabigat ang security sa us embassy? noong bata pa akong tibak, laging sinasabi ng mga nakatatandang ito raw kasi ang totoong malacanang ng pinas. haha. at sa naranasan namin noong biyernes, totoo nga.

kawawang mga pulis, tatawa-tawa habang labas-pasok sa tainga nila ang mga chant na "pulis na pilipino,maglingkod ka sa bayan, wag sa dayuhan!" alam kaya talaga nila ang ibig sabihin noon? for sure, may mga basic lessons on nationalism ang mga iyan. love of country,sense of nationhood at iba pa.hus,kami rin naman tinuruan niyan sa eskwela noong bata.pwede rin nilang iwasiwas na mahal nila ang bayan, kaya sila nagpulis.pero ano nga ba ang pagka-makabayan? ano nga ba ang ibig sabihin ng serve and protect? o kaya ng pagpapanatili ng peace and order?

bago pa kami makarating ng kalaw, hinarang na kami sa welcome pa lang, ng mga pulis maynila din. no permit, no rally daw kasi sa maynila kaya di na sila nagpapalusot lalo na, nakita nilang naka-special use ang aming jeep.kapag ganoon,walang direksyon kung magpapaliwanag ka ng "karapatang magpahayag" o kaya ng "makatwirang pagkilos" at iba pa. lulusot lang sa tainga (at uniporme) nila iyon. sasabihin nila sa iyo,ipinatutupad lang nila ang batas.

hay, katwiran ng alagad ng batas ng butas.sabay sasabihin nila sa iyong "nakikiisa naman kami sa inyo." para noong nag-walkout ang mga estudyante ng pmi.halos tutukan kami sa mukha ng mga camera ng mga ex-o nila diyan. kaya paulit-ulit, sinasabi kong "sino ang sumisira ng reputasyon ninyo? ang mismong admin!" tama bang patakbuhing animo'y may martial law sa campus?ngayon, patatalsikin pa ang mga pangunahing lider-estudyante kahit makatwiran lamang nilang pag-angal sa no permit, no exam policy? kung ipinapatupad lamang nila ang batas, disinsana'y hindi sila magtataas ng matrikula nang lampas pa sa 15% itinakda ng ched.sino ngayon ang bumubutas ng batas? sino ang lumalabag sa peace and order? sino ang armadong humaharap sa mga raling ang bitbit lang ay placard (at ika nga ng neighborhood tibak, bitbit din ang paninindigan).

sa isang banda, kawawa din sila,iyong mga hindi makatindig dahil sa anila'y mga "sinumpaang tungkulin" o kaya'y mga limitasyon. dati,noong nagkaroon ng transport strike sa cubao,nagkataong asawa ng pulis iyong may-ari ng isang payphone na ginamit ko para magtawag ng mga taong sasama pa sa strike."hay naku,tama iyang ginagawa ninyo.pagsasabihan ko iyang asawa ko na huwag kayong sasaktan kung hindi,naku!" mahirap namang sabihing chika lang iyon.sino ba ang di apektado ng pagtaas ng langis,pamasahe,mga bilihin sa mamamayan?

pero higit kailanman, kung mayroon mang magpapasya, sila pa rin iyon.napakarami na ring kwento ng mga tumalikod sa dating buhay na pasibo at reaksyunaryo (pulis,militar,konserbatibong taong simbahan,adik,tomador,kriminal,istambay,mapagsamantala at patapong burges) para pumanig sa wastong panig ng kasaysayan at mamamayan.kaya hindi naman totoong wala silang pag-asa.pero marahil,matatagalan pa.makakailang duguang ulo at brasong sumasalag sa truncheon muna sila.ang dapat na lang siguro nating ipaabot sa kanila,itatakwil sila tiyak ng sistemang kumakandili sa kanila ngayon,ngunit huwag silang mag-alala: yayakapin silang mahigpit ng mga naghahangad ng pagbabagong di lang pansarili,at magaganap iyon...di lang sa emba,di lang saanmang kalsada.

panghuli na lang:classic at inspiring iyong istorya ng dalawang aktibistang nakasakay sa isang dyip.sinadya nilang magkwentuhan tungkol sa pagtataas ng sahod.nang tumahimik sila'y nagdeklara ng holdap ang mamang nakasabit na katabi nila. sabay sabing,"kayong dalawa, hindi kayo kasama!"

pwes manong, kayo kasama namin. ayan o,nariyan pa ang numero unong magnanakaw sa pilipinas ngayon sa malacanang.

*para kay kc ng cns pup, pasensya na hindi ko talaga nakita ang bakal sa kamay mo.haha. :)

                            

Comments

ahaha! panalo nga 'tong kwentong holdapan! &;p

yung istorya ng 2 tibak na sumakay ng dyip, hindi nila sinasadya na mag-usap tungkl sa 125 ATB salary increase. Talagang nagpa-ed yung 2 (ksi 3 talaga sila noong umagang yun) kasi sa sobrang aga ng kitaan hindi pa nila na-join ang detalye ng isyu. Kaya usap-usap sila sa jeep. An ggalin diba? pero ang mas magaling dun ay yung akto ng pagsakay sa dyip ng alas-sais ng umaga para lang umabot sa Mendiola ng alas-siete. Hindi pa malinaw sa kanila ang panawagang 125 across the board, kung mayabang na estudyante ng UP yan hindi yan ju-join kasi mag-istay yan sa bahay para magbasa at intindihin kugn bakit 125 atb ang panawagan. Hindi sa hindi nag-iisip ang tibak kundi decentered na ang kanyang sense of self. hindi na apektado ang ego niya kung hindi pa niya lubusang naiintindihan ang mga detalye ng siang laban. Kasi may tiwala siya sa mga kasama, kasi mas mahalaga sa kanya ang pagwawagi ng mga uring mangangawa sa kanilang laban, kasi yun na ang laban niya ngayon. Sa tatlong sumakay ng jeep at hindi nahold-up, kilala ko yung dalawa,hidni ko na maalala kung sino yung isa pero andyan pa rin sila...Mabuhay kayo!!!

Classic din ito:

isang estudyante ng ENG noong 1950s. Sumali siya sa Partido Komunista ng Pilipinas (yugn tinatawag na OLD P) tapos nugn nagtayo ng bago join pa rin siya. Isang araw, nagda-drive siya at nakahagip ng fruit vendor. Natumba ang mga prutas pero slightly ijured ang fruit vendor. Sgad-agad niya itong isinakay sa kotse at dinala sa hipital. Pwede namang lumabas na sabi ng doktor pero sabi ng nakabangga doon muna ang manininda para makapag-recuperate ng husto. Araw-araw niya itong dinadalaw at dinadalhan ng pagkain. Sagot na rin niya ang bayad sa hospital pati ang perang dapat kitain araw-araw kung hindi sana siya nasa hospital. matapos ang halos isang linggo at fuly recovered and kickin na ulit ang fruit vendor, pumunta na naman angnakabangga uypang hatiran siya ng pagkain at pera. Sabi ng fruit vendor, wg na kayong mag-abala sobra na po ang binibigay na tulong niyo sa akin, bakit po ba ang bait-bait ninyo sa akin? Sabi ng na kabanggaa sa kanya: Kasi komunista ako.

Post a comment

Post a comment

Name:

You are currently signed in as .