« brrrr... | Main | anibersaryo »

Friday, 23 September 2005

those pink fences again (and other sidewalk stories)

napansin ninyo ba ang pagsulpot noong nakaraang linggo ng mga tarpaulin ng papuri kay manny pacquiao na ang nagpaskil ay mmda? naisip ninyo na ba kung bakit sa dinami-dami ng maaaring pumuri at bumati nang pangmalakasan kay mannyn pacquiao, bakit mmda pa?

muling pansinin ang mga tarpaulin paglabas ninyo ng kalsada. tingnan ang mensahe: manny, isa kang bayani. manny pacquiao, kapuri-puri ka. --mmda. basahin ang subliminal message sa manny, isa kang bayani. ganoon na lang kabaho ang pangalan ni bayani fernando sa mmda na kailangan niyang magpabango kaya hayun, sinabayan ang pagkapanalo ni manny pacquiao. so kapuri-puri si bayani fernando? hay, pakinggan mo na lang ang mga mura ng mga drayber at pedestrian dahil sa pink fences at footbridges, pati na u-turn slots.

somewhere sa dailies, may nabasa akong isang text message na nanalo umano ng best text comment for the day. it says, "maganda ang mga billboards sa maynila, dahil nakakaaliw silang tingnan habang nagbibiyahe ka. maganda sa paningin blah blah blah." ah ate, tingnan mo uli ang edsa, kumusta naman ang visual pollution? we are actually filled with empty signs. pagkarami-raming ads at mensahe na nagsasabing "life is beautiful." pero beautiful nga ba? maliban pa sa puro ads, ads, ads. kaya kahit na walang pera ang mga tao, puno pa rin ang mall.ang malls na nga ngayon ang umano'y cultural centers ng pinas,di na ang mga museo,library o historic sites.

lalo ka pang magngingitngit kapag sinuri mo pang mas malalim ang laman ng mga ads. katarantaduhan, higit sa lahat, ang mga shampoo ads. matatanggap ka sa trabaho kapag maganda ang buhok mo. magiging successful ka kapag maganda ang buhok mo. maaappreciate ka ng mga lalaki kapag maganda ang buhok mo. masaya ang buhay kapag maganda ang buhok mo. huwag ka lang makuntento sa magandang buhok, mag-conditioner ka pa.

hindi lang nila pinupuri si manny pacquiao. at hindi lang buhok ang kinukundisyon nila, kundi utak ng mga tao.

                            

Comments

Galing galing!! paano ko kaya mapo-post ito sa blog ko? hay kainis di ako marunong!

Post a comment

Post a comment

Name:

You are currently signed in as .