« gapo | Main | gulay »

Friday, 20 January 2006

15 per hour

ayon kay mong palatino (pangalawang beses ng pagmention ng kanyang pangalan sa blog na ito), isa lang daw ang mortal sin ng isang blogger: ang hindi mag-update. kaya siguro sa ngayon, nasa impiyerno na ako (oa naman yata iyon). kung kaya, nagpupuna ako sa sarili at humihingi ng tawad sa lahat (oa na nga ito).

maipapaliwanag ang kawalan ko ng entry noong nobyembre at disyembre. ilang araw nasa ibang lupain, kung saan mahal ang internet rental (dahil sa loob ng kanilang mga bahay, mayroon na sila). dahil din sila'y mga advanced capitalist countries o ACC (singapore at hong kong ba naman e), bawat bili mo ng kahit ano -- kahit pulbos na sabong panlaba -- kukuwentahin mo kung magkano ang katumbas sa piso.

buti na lang sa pilipinas, may mga 15 per hour na internet. pero tulad nga ng nasabi ko, isa lang naman ang mabigat-bigat na dahilan kung bakit di ako nakakapag-update, kahit isa sa mga new year's resolution ko ito: wala akong pera. kahit 2006 na. kahit daw tumaas na ang piso dahil sa maraming dollar remittances sa pinas noong holidays (hindi baga sampal iyon ng imperyalismo sa bansa? kailangang marami muna ang dolyar ng pinas bago sabihing matatag ang ekonomya?).

kaya ngayon, laking pasalamat ko na lang at nagkaroon na rin ako kahit 20 pesos para mag-extend ng 15 minutes sa internet shop na ito sa maynila.

sa susunod, maghahanap ako ng 10 per hour.

                            

Comments

Naghahanap ka ng 10php per hour? Sa PUP marami nun! Tiis ka nga lang sa init at sa bagal! Musta?

oi sa mga komrads....dito nalang kayo sa shop ko..

may E-Alley Card:
-prepaid ito: P50 for 4 hours
- good for 5 days
- minimum of 30 mins bawat session.
- tas may monthly draw pa kami. pag nabunot pa card mo panalo ka ng 8 hours free play/internet access

o,san ka pa!!

music ay ok kasi nga mga alternative pero foreign ang karamihan pero ok lang din..

yan ang E-Alley Internet Cafe,Roxas St., Cauayan City, Isabela.

PC games / Internet access / scanning / CD burning / typing jobs / printing

saka may mga tibak, pulis, basurero, palaboy, estudyante at iba't-ibang tao na aking pinagkakakitaan dahil sa internet at games hehehe

Post a comment

Post a comment

Name:

You are currently signed in as .